banner

NAGWALA AT NANDURA? Nagpakilalang vlogger, hinuli dahil nanipa at nandura umano ng mga deboto sa Penitential Walk with Jesus sa Cebu City



Dinakip ang isang babaeng nagpakilalang vlogger dahil umano sa ginawang paninipa at pandudura sa mga deboto sa gitna ng Penitential Walk with Jesus sa Cebu City nitong Huwebes.

Bukod sa pananakit at pandudura sa mga deboto, nanira pa umano ng motorsiklo ang babae, ayon sa pulisya.

Umamin ang babae sa kasalanan na nagawa raw niya dahil sa labis na kalasingan, ngunit itinanggi niya na may sinaktan siya.

“Hindi na ako nakapagpigil. May sinipa akong isang tao, may dinuraan. Hindi ko na kasi alam ‘yun eh,” sabi ng babae.

Dahil sa kalasingan, hindi na umano nakontrol ng babae ang kaniyang sarili nang lapitan at sitahin ng mga awtoridad.

“Kasi lasing na kami nu’n eh. Tumatawa pa nga kami. Tapos hinampas-hampas ko ‘yung kaibigan ko, akala nila may sinasaktan ako na tao kaya du’n ako nahuli,” dagdag pa niya

No comments:

Powered by Blogger.