GIN@HASA AT PINUGUTAN NG ULO? 15-anyos na dalagita, natagpuang patay at pinugutan sa Bukidnon
Natagpuang patay sa tubuhan sa Valencia City, Bukidnon ang 15-anyos na dalagita na ilang araw nang nawawala. Ang biktima, pinugutan at inaalam ng mga awtoridad kung ginahasa.
Ayon sa pulisya, high school student ang biktima at pauwi na mula sa eskuwehan nang hindi na siya nakauwi ng bahay.
Sinabi ni Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) Spokesperson, Police Major Joann Navarro, na nakahiwalay ang ulo ng dalagita sa kaniyang katawan nang matagpuan.
Batay sa mga paunang imbestigasyon, sinasabing karaniwang dumadaan sa naturang lugar ang biktima kapag uuwi ng kanilang bahay mula sa paaralan dakong 4:30 pm.


No comments: