banner

TINADTAD NG BALA? BIR examiner, patay sa ambush sa Mandaue City, Cebu



Patay ang isang lalaki na certified public accountant at abogado matapos siyang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Bakilid sa Mandaue City, Cebu.

Sa ulat ni Gabriel Bonjoc ng Super Radyo Cebu sa Super Radyo dzBB nitong Huwebes, sinabing nangyari ang krimen sa Sacris Road, kaninang umaga habang papunta sa trabaho ang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kaniyang sasakyan nang pagbabarilin siya ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo.

Residente umano sa bayan ng Consolacion, at isang BIR examiner.

No comments:

Powered by Blogger.