SINAKAL NI MISTER? 18-anyos na masahista, patay sa sakal ng kaniyang ex-partner sa Capiz
Nasawi ang isang 18-anyos na babaeng massage therapist matapos siyang sakalin ng dati niyang kinakasama sa Roxas City, Capiz. Ang suspek, gumamit ng dummy account sa social media para maisagawa ang masamang balak sa biktima.
Isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.
Ayon sa pulisya, nakita sa CCTV footage na kasama ng biktima sa establisimyento ang 23-anyos na suspek.
“10:15, itong suspek, nag-check in sa isang room. 10:21 pm, pumasok ang lalaki sa room. 10:33 pm, nag-arrive ang victim sa room na iyon. 10:56 pm, lumabas ang lalaki,” ayon kay Roxas City Police chief P/Lt. Col. Ricardo Jomuad, Jr.


No comments: