banner

PINOKPOK SA ULO? Magkapatid na may kondisyon umano sa pag-iisip, pinatay ng kanilang ama gamit ang martilyo



Para matapos na umano ang kanilang paghihirap, winakasan ng isang ama ang buhay ng dalawa niyang anak na edad 20 at 21, na pareho umanong may kondisyon sa pag-iisip sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Ayon sa pulisya, natutulog ang mga biktima nang pukpukin umano sila ng kanilang ama ng martilyo sa ulo na kanilang ikinamatay.

Sinabi ni Police Regional Office–Northern Mindanao (PRO-10) spokesperson, Police Major Joann Navarro, na idinahilan ng suspek na ama na may problema sa pag-iisip ang dalawa niyang anak kaya pinatay na lamang niya ang mga ito upang matapos na ang kanilang paghihirap.

No comments:

Powered by Blogger.