NAPIKON KAYA BINARIL? Security guard patay nang barilin ng kapwa niya sekyu na binu-bully niya umano
Nasawi ang isang security guard matapos siyang barilin ng kapwa niya security guard na kaniya umanong binu-bubully sa Kawit, Cavite.
Lumabas sa imbestigasyon na magkasabay sa duty ang suspek at biktima. Hanggang sa sinundan umano ng armadong suspek ang biktima at binaril sa ulo.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit nasawi kalaunan. Inaresto naman ang guwardiyang bumaril.
“Kaya ko binaril ‘yun, sir, lagi na lang akong minumura, sir. Tapos lagi akong pinapahiya sa mga maraming tao,” sabi ng suspek.


No comments: