banner

PATAY ANG BUONG PAMILYA? Sundalo, buntis niyang kabiyak at 13-anyos nilang anak, nasawi sa aksidente sa Davao de Oro



Isang malagim na trahedya ang nangyari sa isang pamilya sa Pantukan, Davao de Oro nitong gabi ng Lunes. Nasawi ang isang sundalo, buntis niyang asawa, at 13-anyos nilang anak nang mabangga ng isang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mag-anak na minamaneho ng 30-anyos na sundalo at binabaybay ang national highway nang salpukin sila ng nakasalubong na truck na nag-overtake umano sa isa pang sasakyan.

Sa hiwalay na ulat ni Francis Timbal sa Super Radyo dzBB, sinabing tumilapon ang mga biktima at nawasak ang motorsiklo sa lakas ng pagkakabangga.

No comments:

Powered by Blogger.