NABALI ANG PAA? Nawalan ng control at natumba ang isang horror train sa Bacolod City, isang pamailya sugatan
Nawalan ng control at natumba ang isang horror train sa Bacolod City Government Center dakong 11:45 ng gabi nitong Lunes, Oct. 13.
Dahil sa bilis ng takbo, tumagilid at natumba ang horror train habang sakay ang isang pamilya na magba-bonding sana sa rides ng karnabal. Nagtamo sila ng minor injuries at agad namang dinala sa ospital. Maayos na ngayon ang kanilang kalagayan.
No comments: