PINAGTATAGA NG KAINUMAN? Magbayaw patay sa pananaga ng kanilang kainuman na armado ng 2 itak
Nasawi ang magbayaw nang mauwi sa pananaga ang inuman nila sa suspek na armado ng dalawang itak sa Naawan, Misamis Oriental.
Sa imbestigasyon ng pulisya, kainuman ng mga biktima ang 48-anyos na suspek nang magkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo na humatong sa pananaga.
Ayon kay Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) Spokesperson Police Major Joann Navarro, isa sa mga biktima ang unang nakaaway ng suspek, at tumulong ang isa pang biktima kaya naunang nataga nila ang suspek.
No comments: