NABIYAK ANG ULO? Rider na nakikipagkarera umano patay nang bumangga sa tricycle sa GenSan, 5 din sugatan
Nasawi ang isang 26-anyos na rider na sangkot umano sa drag race nang bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang tricycle sa General Santos City.
Ayon sa Traffic Enforcement Unit (TEU) ng General Santos City Police Office, na papaliko ang tricycle sa intersection nang banggain ng motorsiklo sa likuran.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang rider at nasawi sa pinangyarihan ng insidente.
No comments: