BINARIL ANG KABIT? Pulis na may asawa suspek sa pagpatay sa nobya na nakita ang bangkay sa Pangasinan
Isang pulis ang dinakip matapos maging suspek sa pagpatay sa isang 24-anyos na babae na nakitang patay at may tama ng bala ng baril malapit sa isang waiting shed sa Bayambang, Pangasinan.
Nang magsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at mag-backtracking sa mga kuha ng CCTV camera, natukoy na suspek sa krimen ang 31-anyos na pulis na nakatira sa San Carlos, Pangasinan, pero nakatalagang pulis sa Taguig, kung saan katira din ang biktima.
No comments: