banner

NASAPUL NG BUS? Pulis na nasemplang sa motor, patay matapos masagasaan ng kasunod na bus



Nasawi ang isang pulis matapos siyang masagasaan ng isang bus sa kahabaan ng kalsada sa Cubao, sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), papunta na raw sana para mag-report sa kaniyang duty ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Batay sa imbestigasyon, may natamaan umano sa kalsada ang motorsiklong sinasakyan ng biktima dahilan upang siya ay sumemplang. Sa bilis daw ng pangyayari, hindi na raw nakabangon ang biktima at saka siya nagulungan ng isang bus.

Sa kabila ng pagresponde sa biktima upang madala siya sa ospital, ay idineklara siyang dead on arrival.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus kung saan nakatakdang ilipat sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang kaniyang kaso para sa mas masusi pang imbestigasyon. 

No comments:

Powered by Blogger.