NAGULUNGAN NG TRUCK? Babaeng tumatawid sa pedestrian lane, nagulungan ng closed van sa Laoag City
Nahuli-cam sa Laoag City, Ilocos Norte ang kahunas-lunos na sinapit ng isang babaeng nabangga at nagulungan ng isang closed van kahit pa sa pedestrian lane siya tumawid.
Sa video footage, makikita na nakailang hakbang na ang biktima sa kalsada nang lumiko ang van mula sa kabilang kanto at nahagip ang babae.
Natumba ang babae at pumailalim sa van hanggang sa magulungan pa.
No comments: