banner

NAPAGTRIPAN LANG? 9-anyos na bata, comatose matapos bugbugin ng high school students



Viral sa social media ang isa umanong grade 3 student na pinagtulungang bugbugin ng high school students sa Iligan City.

Ayon sa mga ulat, tinatayang nasa apat na kalalakihan ang nambugbog sa sinasabing 9 taong gulang na batang lalaki na estudyante ng Maria Cristina Falls Elementary School.

Mapapanood sa nagkalat na video ng naturang pagkuyog sa biktima kung paano nagpalitan ng suntok at tadyak ang high school students sa kaniyang katawan. Bunsod nito, kasalukuyan ng nasa Intensive Care Unit (ICU) ang biktima matapos ang tinamong bugbog sa iba’t ibang katawan, partikular na ang mga suntok sa kaniyang ulo.

No comments:

Powered by Blogger.