PINAULANAN NG BALA? Ina at sanggol patay matapos pinaulanan ng bala sa Paresan sa Laguna!
Patay ang isang 11-buwang gulang na sanggol matapos ratratin ng riding in tandem ang isang paresan sa San Pablo, Laguna noong Biyernes, Agosto 8, 2025.
Ayon sa mga ulat, nasa bandang 7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente ng pamamaril. Habang kumakain ang iba pang nadamay, bigla umanong dumating ang gunman sakay ng motorsiklo. Pagpasok niya sa nasabing paresan, doon na raw siya walang habas na namaril.
Tinamaan ng bala sa bandang tagiliran ang sanggol na tumagos sa bahagi ng kaniyang balikat. Dalawa pa ang nadamay sa insidente kung saan isang 30-anyos na pares vendor ang tinamaan sa kanang braso at balikat habang isang 56 taong gulang na babae naman ang nasugatan sa kanang binti.
Mabilis na sumakay ng motorsiklo ang suspek dala ang kaniyang baril at saka tumakas.
No comments: