banner

KANSELADO NA? Driver na nag-counterflow sa Skyway, habambuhay nang kinansela ang lisensiya!



Ipinag-utos na ng kalihim ng Department of Transportation na si Vince Dizon ang perpetual revocation o habambuhay na pagkansela sa lisensya ng driver na nahuling nag-counterflow sa bahagi ng Skyway Sabado ng madaling araw.

Ibinahagi ng DOTr sa Facebook page nito ang kuha ng CCTV bandang 3:32 a.m. kung saan isang driver ang sinalubong ang mga sasakyan sa kabilang lane ng Skyway.

“Hindi pu-puwede na suspendido lang ang lisensiya ng driver na ito dahil kitang kita naman sa CCTV footage na inilagay niya sa peligro ang buhay ng mga driver ng kasalubong niyang sasakyan. Ipinag-utos ko na i-revoke na nang tuluyan ang driver’s license ng pasaway na driver na ito nang hindi na pamarisan ang reckless driving niya,” sabi ni Dizon sa isang pahayag.

No comments:

Powered by Blogger.