banner

NAGALIT AT NANAKSAK? Barbero sinaksak ng customer na hindi nagustuhan ang kaniyang gupit



Nagtamo ng sugat ang isang barbero matapos siyang saksakin ng customer na hindi umano nagustuhan ang kaniyang gupit sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ang lalaki, may hawak na kutsilyo na kaniya umanong ginamit sa pagsaksak sa isang barbero.

Humantong ang habulan patungo sa Major Marcos Street ngunit hindi na inabutan ang salarin.

Maayos na ngayon ang kondisyon ng 44-anyos na barbero, na nagtamo ng sugat sa kaliwang pisngi.

No comments:

Powered by Blogger.