SINIWALAT LAHAT? Crispin Remulla nilabas ang bagong testigo na aamin sa lahat sa kaso ng nawawalang mga sabungero
Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong Martes na may bagong testigo sa kaso ng nawawalang mga sabungero, na magpapalakas umano sa kredibilidad ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alayas “Totoy.”
“Napakahagala [nito]. It bolsters the credibility of Totoy,” sabi ni Remulla sa isang ambush interview. “Hindi lang ito testimonial evidence. May real evidence na involved dito. Meron dito totoong ebidensiya na bukod sa kuwento.”
Isa si Patidongan sa mga akusado sa kaso na nais nang maging testigo. Isiniwalat niya na mahigit 100 sabungero ang dinukot at pinatay, at itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake.
Ayon kay Remulla, sibilyan ang bagong saksi na hindi pa lumalabas sa mga media report ang pangalan.
Kasabay nito, nakipagpulong din si Remulla kay PNP chief Police General Nicolas Torre III sa Department of Justice main building para talakayin ang pagkakadawit ng ilang pulis sa kaso ng nawawalang mga sabungero.
Ayon kay Remulla, pumayag si Torre sa kaniyang kahilingan na alisin sa puwesto ang isang opisyal sa paghawak sa kaso.
“Nakiusap ako kay General Torre na i-relieve yung isang service commander at nangyari naman. Kaya ngayon malinaw na naman ang aming landas patungo sa paglutas ng problemang ito,” anang kalihim.
Nilinaw ng kalihim na hindi sangkot sa kaso ng missing sabungeros ang opisyal pero mayroon umano itong ikinilos na naging dahilan para mawala ang tiwala niya.
“Alam ninyo napakahalaga ng gantong tiwala sa prosesong ito. Tiwala ang pinakamahalagang ano dito, magkaroon. Kasi kapag wala kang tiwala, paano magsasalita ang mga tao. Hindi buo ang tiwala. ’Yun lang ang aking sinigurado,” paliwanag ng kalihim.
No comments: