banner

BATANG BAYANI? Binatilyo nalunod sa dagat ng kanyang sinagip ang 2 kaibigang nalulunod rin!



Nakita na ang bangkay ng 17-anyos na lalaki na dalawang araw nang nawawala matapos sagipin mula sa pagkalunod sa isang beach sa Davao City ang dalawa niyang kaibigan.

Sinabing hindi na nakabalik sa baybayin ang biktima matapos na matulungan ang dalawang kaibigan na nalulunod sa isang beach sa Barangay Dumoy noong Sabado.

Nitong Lunes ng hapon, nakita ang katawan ng biktima na lumulutang malapit sa Toril Fishport sa Barangay Daliao.

Samantala, isang lalaki na pitong-taong-gulang ang nalunod sa isang resort din sa Barangay Dumoy, nitong Linggo.

No comments:

Powered by Blogger.