BINATIKOS? Netizen, minura si Bernadette Reyes matapos mag-cover ng baha, GMA reporter rumesbak ng sagot
Hindi basta nagpatinag si GMA Integrated News reporter at anchor na si Bernadette Reyes matapos makatanggap ng bastos na komento mula sa isang netizen tungkol sa kanyang trabaho.
Sa kanyang viral Facebook post ngayong Hulyo 22, 2025, ibinahagi ni Bernadette ang larawan habang lubog sa baha kasama ang kanyang cameraman, isang eksenang sumasalamin sa hirap ng pagiging isang field reporter tuwing may sakuna.
Sa kanyang post, ikinuwento ni Bernadette ang hirap ng kanilang trabaho—mula sa pag-alis ng bahay ng maaga, hindi mahagkan ang kanyang anak, hanggang sa paglusong sa ulan kahit kagagaling lang sa sakit. Sa kabila ng lahat ng ito, aniya, pinili pa rin niyang maglingkod sa bayan. “Kahit gusto kong manood ng Netflix, kumain ng champorado at matulog, heto ako lublob sa baha para maghatid ng balita,” saad niya sa post.
No comments: