banner

BIGLANG SINAKSAK? Lalaking namamalimos, patay matapos saksakin ng galit na service crew



Patay ang isang lalaking namamalimos matapos umanong saksakin ng isang service crew ng bar sa Barangay 5, San Carlos City, Negros Occidental, bandang alas-4:37 ng madaling araw kahapon, Hulyo 20, 2025.

Kinilala ang biktima sa alyas na "Eurick," residente ng Ylagan Street, Barangay 6, sa nasabing lungsod. 

Ayon sa ulat, sinaway siya ng service crew, na nauwi sa mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Sa gitna ng alitan, inakala ng service crew na kailangang siyang depensahan ang sarili at tatlong beses niyang sinaksak si Eurick sa tiyan.

No comments:

Powered by Blogger.