banner

TINAMBANGAN AT BINARIL? P2M pabuya, inilaan para madakip ang mga pumatay sa broadcaster na si Segovia



Umabot na sa P2 milyon ang pabuyang inilaan ng mga lokal na opisyal ng Surigao del Sur na ibibigay sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang mga pumatay sa radio broadcaster na si Erwin Segovia sa Bislig City.

Ang reward money ay mula sa dating alkalde ng bayan ng Cantilan, congressional office ng Surigao del Sur, at ng provincial government.

Sa isang pahayag, sinabi ni Governor Johnny Pimentel, nag-alok sila ng pabuya ni Congressman Alexander Pimentel, para sa paghahanap ng katarungan at pakikiisa sa pamilya ng biktima.

“The entire province of Surigao del Sur mourns the tragic and senseless killing of Mr. Boy Segovia, a dedicated member of the local media and a fellow Surigaonon,” ayon sa gobernor.

Nakikipagtulungan umano ang gobernador sa mga awtoridad para mabilis na malutas ang kaso.


“Violence, especially against those who serve the public by shedding light on truth, has no place in our province or anywhere in our nation. This senseless act must not go unpunished,” dagdag ni Pimentel.

Binaril at pinatay si Segovia noong Lunes sa Barangay Mangagoy, habang pauwi na sakay ng motorsiklo matapos ang kaniyang programa sa radio kung saan tinatalakay nina ang mga social issue, local governance, at usapin sa komunidad.

No comments:

Powered by Blogger.