banner

BIGLAANG SINAKSAK? 16-anyos na lalaki, kritikal matapos saksakin ng suspek na menor de edad din



Nasa kritikal na kondisyon ang isang 16-anyos na lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng isa pang binatilyo sa Barangay 14, Caloocan. Ang krimen, nagsimula lang umano sa masamang titigan.

Mapanonood sa CCTV footage ang suspek at biktima, kasama ang ilang kabataan na tila nag-uusap sa gitna ng kalye nitong Linggo ng 1 a.m. Ilang saglit lang, bumunot na ng patalim ang suspek at hinabol ang biktima.

Nang abutan ang biktima, sinaksak na siya ng suspek.

“Bibili lang po sana kami ng pagkain ang kapatid ko. Tapos may mga lalaking sumusunod sa amin. Itong lalaking ‘to kinausap 'yung kapatid ko. Tapos nagulat ako dudukot na po siya ng kutsilyo. Tapos pinagsasaksak niya na,” sabi ni Nica Jean Mutuc, saksi at kapatid ng biktima.

No comments:

Powered by Blogger.