WASAK NA LATA? Taxi sobrang yupi ang bubong nang mabagsakan ng container ng trailer truck sa Maynila



Isang taxi ang nayupi ang bubong matapos itong mabagsakan ng container mula sa isang trailer truck na sumabit sa footbridge sa Abad Santos Avenue sa Maynila.

Ngunit ilang saglit lang, isang trailer truck ang dumaan at sumabit ang container nito sa footbridge.

Kahit na walang laman ang container, makikita na napipi ang bubong ng taxi.

Ayon sa 60 anyos na taxi driver na si Lito Sinco, kabababa lang halos ng kaniyang mga pasahero at pauwi na sana siya sa Taytay, Rizal.

“Ipinasa-Diyos ko na lang eh. Akala ko nga magtutuloy-tuloy 'yung pagbagsak ng container eh. Para akong natulala eh. Pagbaba ko nga, ramdam ko 'yung tuhod ko nanginginig kasi nga biro mo, ang laki-laki nu’n eh. Pumatong sa ibabaw ng taxi,” sabi ni Sinco.

No comments:

Powered by Blogger.