banner

TUMILAPON ANG DALAWA? Mag-live-in partner na sakay ng motorsiklo, patay nang masalpok ng kotse na 17-anyos ang driver



Nasawi ang isang mag-live-in partner nang mabangga ng isang kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Zamboanga City. Ang driver ng kotse, menor de edad.

Makikita sa CCTV footage na papaliko ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima sa isang intersection sa Barangay Talisayan.

Pero biglang may sumulpot na kotse na mabilis ang takbo at nasalpok ang mga biktima na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Sugatan din ang 17-anyos na driver ng kotse na nagliyab ang sasakyan, at isinugod siya sa ospital.

Patuloy pa umano ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

No comments:

Powered by Blogger.