HULI SA AKTO SA MOTEL? 17-anyos na babae, nabiktima ng 'sextortion' dahil sa pinaayos niyang nasirang cellphone



Maging maingat sa pagpapaayos ng nasirang cellphone lalo na kung may mga sensitibo o pribadong mga larawan at video rito. Sa Pampanga, isang 17-anyos na babae ang nabiktima ng "sextortion," at naaresto naman ng mga pulis ang suspek na nanakot sa dalagita na ipakakalat ang mga maselang larawan at video nito kapag hindi nakipagtalik sa kaniya.

Makikita na pinasok ng mga pulis ang isang kuwarto sa isang hotel sa Arayat, Pampanga para arestuhin ang 26-anyos na suspek.

Nakatakip na lang ng tuwalya ang suspek nang abutin ng mga pulis na hinihintay na umano noon ang dalagita.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ipinaayos ng dalagita sa suspek ang kaniyang cellphone noong 2024 at doon nakita ang mga sensitibo niyang video at larawan.

Hanggang sa nakatanggap na ng mensahe kamakailan ang biktima na nagbabantang ikakalat ang mga maseselan niyang larawan at biktima kung hindi papayag sa gusto nito na makipagtalik sa kaniya.

No comments:

Powered by Blogger.