NATUSOK ANG BITUKA? Vlogger, namatay dahil nga ba sa challenge ng follower na kainin ang mga buto ng manok?



Isang vlogger na pagmu-mukbang ang content ang namatay dahil sa komplikasyon sa bituka ilang araw matapos niyang tanggapin ang hamon ng isa niyang follower na kainin pati ang mga buto ng manok kapalit ng P20,000. Ang masaklap, ang pangakong pera ng follower, joke lang daw.

Ginawa niya ito sa kagustuhan na makatulong sa pamilya kapag kumita na ang kaniyang mga content. 

Hanggang sa dumami na nga ang kaniyang followers. At nitong nakaraang Marso, nagsimula nang kumita ang kaniyang content sa isang social media platform at nakakuha siya ng unang sahod na P24,000.

Kaya naman mas sinipagan pa ni Rogelio na gumawa ng content sa kaniyang account. Hanggang sa makatanggap siya ng challenge sa isang follower na kainin ang mga buto ng manok para padalhan siya ng P20,000.

Dahil naisip na malaking tulong sa kaniyang pamilya ang sinasabing halaga na ipadadala ng follower, kinasahan ni Rogelio ang hamon. Isinagawa niya ang video noong May 19 at kumain siya ng lechon manok, at kasama ang mga buto nito.

No comments:

Powered by Blogger.