TINAPON SA BASURAHAN? Bangkay ng bagong silang na sanggol, natagpuan nakasilid sa plastic sa basurahan sa Pasig
Nakasilid sa plastic at patay na nang matagpuan sa basurahan ang isang bagong silang na sanggol na lalaki sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Natagpuan ng mga residente ang sanggol na nakasilid sa asul na plastic sa bahagi ng Eusebio Avenue bandang 2 p.m. ng Martes.
“Una may dumaan na jeep, nagulungan ‘yung gilid ng plastic. Pangalawa may dumaan na truck. Then noong huli, may kotse na dumaan hanggang nabuklat ‘yung plastic, may laman palang bata,” sabi ni John Mar Cagas, may-ari ng katabing gusali.
Agad nilang binalutan ng tela ang sanggol bago tumawag sa 911.
Makaraan ang halos 30 minuto, dumating ang mga taga-barangay at mga pulis. Dumating naman ang ambulansiya ng 4 p.m. at sinuri ang sanggol.
Maaaring nasa pitong buwang gulang ang sanggol na lalaki. Kalaunan, kinuha ng punerarya ang bangkay ng sanggol.
No comments: