BAGONG LAYA PALA? TNVS driver, hinoldap sa Maynila, P500 ng biktima tinangay ng mga Holdaper
Naaresto ang dalawa sa apat na lalaking nangholdap sa isang TNVS driver na tumangay sa pera ng biktima na P500 sa Tondo, Maynila. Ang isa sa mga suspek, kakalaya lang pala mula sa kulungan.
Ilang saglit lang, tumakbo palayo ang tatlong lalaking sakay nito. Hinahabol na pala sila ng pulisya.
Batay sa imbestigasyon, biniktima ng mga kawatan ang driver ng na-book nilang Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Nagpanggap na mga pasahero ang apat na lalaki at nagdeklara ng holdap pagsakay nila ng sasakyan.
Nakuha ng mga suspek ang P500 na pera mula sa driver.
No comments: