SUMUKO MAY KASO? Boy Tapang kusang sumuko matapos isyuhan ng arrest warrant kaugnay ng kasong RA 9262
Usap-usapan ngayon sa social media ang sikat na vlogger at content creator na si Ronie Suan, mas kilala bilang Boy Tapang, matapos siyang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262). Ang nasabing kaso ay may kaugnayan umano sa kanyang live-in partner na diumano'y kanyang sinaktan, ayon sa naunang ulat.
Bandang 12:15 ng tanghali noong Biyernes, Mayo 30, 2025, naaresto si Suan sa JD Veyra Street, Barangay Carreta, Cebu City. Ang operasyon ay pinangunahan ng City Intelligence Unit ng Cebu City Police Office sa pamumuno ni PCapt Christopher Irwin Sanchez. Ayon sa mga otoridad, hindi na nanlaban pa si Suan at mahinahong sumama sa kanila bilang pagsunod sa kautusan ng korte.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Maria Ella Cecilia Dimaandal Dumlao-Escalante ng Regional Trial Court Branch 143 sa Cainta, Rizal, noong Mayo 26, 2025. Batay sa legal na proseso, pinayagan ang vlogger na magpiyansa ng halagang ₱72,000 upang pansamantalang makalaya habang nililitis pa ang kaso.
No comments: