Nilapitan at Binaril! Babaeng negosyante, patay nang barilin sa ulo sa QC



Patay ang isang 50-anyos na babaeng negosyante matapos siyang barilin sa ulo sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sinabi ng mga taga-barangay na isang concerned citizen na nakarinig ng mga putok ng baril ang tumawag sa kanila.

“Dali-dali po kami kasama po ang mga BPSO at sinabay ko na rin po tawagan 'yung ating ambulance. Pagdating po namin sa area, nakita nga na po namin na nakabulagta na po 'yung isang babae na duguan at may tama po sa ulo and then pina-check po sa ating mga medic, wala na po talagang pulso,” sabi ni Kagawad Elmer Buena ng Barangay Commonwealth.

No comments:

Powered by Blogger.