NAIPIT SA ILALIM? Nakaparadang 10-wheeler truck, biglang umabante at nasalpok ang senior citizen na rider, patay



Patay ang 60-anyos na motorcycle rider matapos siyang pumailalim sa isang nakaparadang 10-wheeler truck na bigla na lamang umabante sa Payatas Road, Quezon City.

Nagtulong-tulong ang mga rescuer para maialis sa pagkakaipit ang biktima.

Naidala pa sa ospital ang rider ngunit idineklarang dead on arrival.

“Pagdating po namin doon sa area, 'yung victim po natin nasa ilalim mismo ng bumper nu’ng truck, kasama niya 'yung motor na nakaipit doon mismo. Medyo matagal po 'yung pagkakaalis namin doon kasi ginamitan pa po ng tropa natin ng QCDM ng mga hydraulic para mai-angat po 'yung truck. Mga siguro 30 minutes to 45 minutes po bago po nahatak 'yung victim natin,” sabi ni Randy De Vera, Barangay Commonwealth Base 1 Deputy Team Leader.

No comments:

Powered by Blogger.