PINAGKAMALAN LANG? Lalaki, huli matapos manaksak ng napagkamalan niyang nanuntok sa kaniya sa Iloilo City



Arestado ang isang lalaki matapos niyang saksakin ang isa pang lalaki na napagkamalan niyang sumuntok sa kaniya sa Jaro Plaza sa Iloilo City.

Sinabi ng pulisya na nagpapagaling sa ospital ang biktima, na nagtamo ng mga sugat sa likod at braso.

May mga nagpapatrolyang pulis sa plaza kaya agad nadakip ang suspek, at narekober din ang kutsilyong kaniyang ginamit.

No comments:

Powered by Blogger.