NAKUNAN NG VIDEO! Lalaking nagse-cellphone habang tumawid, nabangga ng motorsiklo sa Iloilo tumilapon
Isang lalaking nagse-cellphone habang tumatawid sa kalsada ang nahuli-cam na nabundol ng motorsiklo sa Pavia, Iloilo.
Mapanonood ang lalaki na tumatawid mula sa kabilang bahagi ng kalsada sa Barangay Jibao-an.
Ngunit ang lalaki, nakatingin lang sa kaniyang cellphone at wala rin sa pedestrian lane.
Ilang saglit lang, dumating ang isang motorsiklo at nasalpok siya.
Nagtamo ng mga sugat ang rider at ang lalaking tumawid, na parehong dinala sa ospital.
Sinabi ng mga awtoridad na nakatakdang mag-usap ang dalawa para mag-areglo.
No comments: