HINOLDAP AT SINIPA PA? 67-anyos na babae, hinablutan ng bag, kinaladkad at sinipa ng snatcher
Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki na nahuli-cam na nanghablot ng bag ng isang 67-anyos na babae San Fernando, Pampanga. Ang biktima, kinaladkad at sinipa pa ng suspek para makuha ang bag.
Ilang saglit lang, sinunggaban na ng suspek ang bag at itinulak ang babae kaya natumba sa daan.
Pero kahit natumba, hindi binitawan ng babae ang kaniyang bag kaya siya kinaladkad ng suspek.
Dahil ayaw bitawan ng biktima ang bag, sinipa na siya ng suspek, at doon na nito tuluyang natangay ang bag.
May isang residente ang tumulong sa biktima pero hindi na nila naabutan ang salarin.
“Sabi po niya [ng biktima], may pinuntahan lang daw po siyang kaibigan sa Sitio Pigulut at pauwi na po sana siya. ‘Yun na po, may sumusunod na sa kanyang tao at hinablot na po ‘yung gamit niya,” ayon kay Police Major Don Kenneth Asuncion, Sub-Station 2 Commander ng San Fernando Police Station.
No comments: