MALAPITANG BINARIL? Lalaki, patay nang barilin nang malapitan sa Rizal, Nahuling suspek napagkamalan lang na gunman



Nasawi ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin nang malapitan sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa isang saksi, napagkamalan lang na gunman ang nahuling suspek.

Ilang saglit pa, lumapit ang isang lalaking naglalakad at may suot na sumbrero, at biglang pinagbabaril ang biktima.

Natumba ang biktima at kaniyang motor, habang tumakas naman ang gunman at nagsitakbuhan ang mga tao sa lugar.

“May tama sa ulo at dito sa katawan at tatlong basyo ‘yung ating nakuha doon sa area. Naisugod naman natin ito sa hospital at doon nang diniclare (declare) na patay,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Paul Macasa Sabulao, chief ng Rodriguez Police.

Batay sa pulisya, sinabi ng live-in partner ng biktima na suspek sa pamamaril ang isang lalaking kakilala ng biktima.

“Sinabi niya na ‘yun ang suspek kasi meron silang palitan ng text message na pinagbabantaan na sinasabi na mag-unahan na lang sila,” ayon kay Sabulao.

No comments:

Powered by Blogger.