KAKASUHAN! DOTr Sec. Dizon aaksyun sa nangyaring pagbugbog sa PWD sa loob ng bus: 'Krimen 'yan'
Naalarma si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa nahuli-cam na pananakit ng ilang pasahero sa isa ring pasahero na may kapansanan umano na nangyari sa loob ng isang bus sa EDSA Bus Carousel.
“This was a crime. Binugbog, kinuyog, yung isang kababayan natin na may kapansanan sa loob ng isang bus. Krimen ‘yan,” ayon kay Dizon sa isang press briefing.
Aminado si Dizon na itinuturing niyang "very personal" para sa kaniya ang insidente dahil may kapatid siyang may autism.
“This is very personal to me, why? I have a younger brother, my youngest brother has autism. it’s not easy to understand, hindi madaling intindihin itong kondisyon na ‘to,” paliwanag niya.
No comments: