NAHULI CAM! Menor de edad na lalaki, nahuli-cam na nanloob sa isang tindahan sa Pangasinan
Nahuli-cam ang panloloob ng isang menor de edad na lalaki sa isang tindahan sa Binmaley, Pangasinan. Ang isang pitaka na naglalaman ng mahigit P16,000.00, natangay niya.
Kalaunan, tila napansin ng lalaki ang CCTV camera kaya siya agad nagtakip ng mukha.
Hanggang sa binuksan na ng lalaki ang drawer at ginalaw ang ilang paninda bago umalis nang walang dala. Ngunit may tinangay na palang pitaka ang lalaki.
Sinabi ng may-ari ng pitaka, na siya ring may-ari ng tindahan, halagang P14,000 at $50 na katumbas ng halos P2,800 ang tinangay ng binatilyo.
No comments: