NAG VIRAL! Nakunan ng Video ang Tricycle driver na pinagbubugbog dahil sa agawan ng pasahero sa Cebu



Isang tricycle driver ang pinagbubugbog ng mga kapwa niya tricycle driver dahil sa agawan umano ng mga pasahero sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Mapanonood sa video ng isang pasahero na nakasakay pa sa pinapasada niyang tricycle ang driver nang paulanan siya ng mga suntok ng iba pang tricycle driver.

Dahil dito, nahirapan huminga sa gitna ng bugbugan ang isa sa mga sakay.

Sinabi ng uploader na pasahero na bago ang insidente, pinakyaw o nirentahan nila ang tricycle, at pinayagan din nila ang driver na kumuha ng iba pang pasahero sa daan.

No comments:

Powered by Blogger.