HEMAS REHAS! Senior citizen, huli sa panghahalay umano sa menor de edad na kapitbahay na may problema sa kalusugan
Timbog ang isang 65-anyos senior citizen matapos ireklamo ng panghahalay sa menor de edad niyang kapitbahay na may problema sa kalusugan sa Project 4, Quezon City.
“Ang ating biktima ay nakaupo sa isang motorcycle and then kinawayan siya ng ating suspek. Noong hindi siya pinansin ng ating biktima, lumapit ‘yung ating suspek sa kaniya at hinawakan siya sa kamay, dinala roon sa gilid kung saan may madilim na portion. At doon na nga po niya nagawa ‘yung mga hindi kanais-nais sa ating biktima,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Angelito De Juan, Project 4 Police Station Commander.
Nagawang makapagsumbong umano ang biktima sa kaniyang ama kaya naisampa nila ang kasong rape.
Agad din nadakip ang senior citizen na suspek.
Batay sa pulisya, 2023 nang unang mahuli ang suspek dahil din sa pangahalay umano sa biktima ngunit nagawa niyang makapagpiyansiya noon.
No comments: