PANOORIN! Binatilyong mamumulot ng barya naipit ang braso sa bakal na takip sa kanal sa Cebu
Naging pahirapan ang pagsagip sa isang 15-anyos na lalaki na naipit ang braso sa bakal na takip sa kanal sa Cebu City. Ang binatilyo, sadya raw mangunguha ng mga baryang nahuhulog sa kanal.
Ayon sa mga awtoridad, ipinasok ng binatilyo ang kaniyang kanang braso sa butas ng manhole para abutin ang mga barya sa loob. Pero hindi na niya ito mahugot.
Hindi umubra ang mga naunang paraan sa pagsagip sa bata matapos mabali ang limang blade sa reciprocating cutter. Kaya gumamit na ng hydraulic cutter ang mga rescuer.
At makaraan ang limang oras, natanggal na sa pagkakaipit ang braso ng binatilyo.
“Sobra ang pagkakaipit na kung gagamitan namin ng power tools, natatakot kami na baka mas lalong maiipit,” ayon kay Fire Officer 3 James Formentera.
No comments: