KITA SA CCTV ANG BAGONG MODUS! Huli sa CCTV ang Ipit-gang' para nakawan ang isang babaeng namimili sa grocery
Nahuli-cam sa loob ng isang grocery store sa Quezon City kung papaano umatake ang mga miyembro ng "Ipit-gang" upang nakawan ng gamit ang kanilang bibiktimahin.
Dalawang babae naman na may mga pushcart din ang humarang sa dadaanan ng biktima. At sa likod ng biktima, may mga suspek din na may bitbit naman na grocery basket.
Habang pinupuntirya na ng isang suspek ang bag ng biktima, isang babae pa ang dumating sa harapan ng babae para agawin ang kaniyang pansin.
Nagpulasan ang mga suspek nang dumating ang mga tauhan sa grocery store pero tangay na nila ang gamit ng bktima.
No comments: