BINARIL NG SUMPAK? 2 construction workers, patay sa pamamaril ng kanilang katrabaho sa Pampanga



Nauwi sa krimen ang inuman ng tatlong construction workers sa San Fernando, Pampanga. Ang isa kasi sa kanila, kumuha ng "sumpak" at pinaputukan at napatay ang dalawa niyang kasamahan.

"’Yung isang victim po, hinampas po allegedly — based po doon sa sinabi ng asawa ng isang biktima — ng baso ng kanyang kainuman sa mukha. And then after that, umalis po siya [suspek] sa inuman and then kinuha po ‘yung sumpak na ito. And then pagbalik po ay pinagbabaril na po itong kaniyang mga kainuman," ayon kay Police Colonel Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen, at hinahanap na siya ngayon ng mga awtoridad.

No comments:

Powered by Blogger.