HULI SA AKTO! Lalaki huli sa panghahalay ng menor de edad na apo ng kaniyang live-in partner



Timbog ang isang 55-anyos na construction worker matapos niyang halayin umano ang menor de edad na apo ng kaniyang live-in partner sa Rodriguez, Rizal.

Nangyari ang insidente noong Oktubre 2024.

“Noong araw ngang iyon ay inutusan nga itong bata ng kaniyang auntie na pumunta roon sa bahay at kumuha ng damit, kung saan itong arrested natin na tao nandoon sa bahay, at nagulat siya at siya ay minolestiya nitong taong ‘to. Itong bata na ‘to na biktima ay agad nagsumbong as kanyang tatay at nagpunta sa himpilan ng pulisya,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Paul Macasa Sabulao, hepe ng Rodriguez Police.

No comments:

Powered by Blogger.