POSITIBO PALA? Viral na ‘Imburnal Girl,’ isinasailalim na sa rehab ayon sa DSWD



Ang viral na si Rose, mas kilala ng publiko bilang “Imburnal Girl” matapos makuhanan ng video habang umaahon mula sa isang drainage canal sa Makati, ay ngayon ay unti-unti nang binibigyan ng bagong simula. Ayon sa pinakabagong ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), si Rose ay kasalukuyan nang nasa ilalim ng drug rehabilitation program ng ahensya.

Ito ay kasunod ng kanyang pag-amin na siya ay gumagamit ng ilegal na droga paminsan-minsan. Sa isang panayam kasama ang isang kilalang social media influencer, deretsahang sinabi ni Rose: “Nagbibisyo naman po ako, pero hindi naman po araw-araw.”

No comments:

Powered by Blogger.