NAGWALA? Lalaki kulong nang barilin ang kaibigang napagbintangan niyang nagsalin ng tubig sa gas tank ng kaniyang trike



Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos niyang barilin ang kaniyang kaibigan na napagbintangan niyang naglagay ng tubig sa gas tank ng kaniyang tricycle sa Tondo, Maynila.

Sumailalim siya sa operasyon para makuha ang balang naiwan sa loob ng kaniyang katawan.

Sinabi ng biktima na napagbintangan siya ng kaibigan na nilagyan umano niya ng tubig ang gas tank ng tricycle nito.

“Magsasauli nga po kasi kami ng kariton ng mga barkada ko doon sa Aroma. Eh may nakapagsabi, may sumigaw na, ‘Uy si Saya o!’ ‘yun, bigla niya ako binaril sabay umalis kaagad po. Siyempre po, mahirap na. Hindi ko na magawa 'yung makadiskarte, 'yung mangalakal, kasi nga bawal ako magbuhat,” sabi ni Rey Rey.

No comments:

Powered by Blogger.