TUMILAPON SA GITNA? Kuha sa CCTV ang Banggaan ng 3 motorsiklo 2 ang patay at 2 ang sugatan sa Cebu
Dalawa ang nasawi at dalawa ang sugatan nang magbanggaan ang tatlong motorsiklo sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Sinabing nangyari ang insidente sa ML Quezon National Highway sa Barangay Mactan dakong 3:00 a.m. noong Mayo 24, 2025.
Sa video footage mula sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa isang Korean grocery store, isang motosiklo ang counterflow umano at bumangga sa dalawang motorsiklo na kaniyang nakasalubong.
Ayon sa awtoridad, kaagad na nasawi ang 19-anyos na rider ng motorsiklo na nag-counterflow, habang sa ospital naman nasawi ang isang 27-anyos na rider na kaniyang nabangga ilang oras habang nilalapatan ng lunas.
No comments: