PINAGBABARIL! 4 Patay ng Pagbabarilin ng isang lalaki ang Barangay Captain at Kagawad sa Gitna ng Flag Ceremony
Apat (4) patay sa pamamaril kabilang ang barangay captain at dalawang (2) barangay kagawad habang nasa gitna ng flag ceremony sa barangay hall ng Brgy. Salitran III, Dasmariñas City, Cavite umaga ng Lunes, Mayo 26, 2025.
Kuha sa isa pang video ang pamamaril ng suspek na dating barangay tanod sa nasabing lugar. Patay rin ang suspek matapos barilin nito ang kanyang sarili.
Kinilala ang mga nasawi na sina:
1.) Raul Ballod y Atarde, 56 years old (Barangay Chairman)
2.) Jose Lagones y Era, 65 years old, (Barangay Kagawad)
3.) Marvin Canete y Cabia, 54 years old (Barangay Kagawad)
4.) Ariel Sabater y Hernandez, 50 years old (Suspect).
Nasa kritikal na kalagayan naman ang SK Secretary ng barangay na kinilalang si Christine Joseph Bonus.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo ng nasabing krimen.
No comments: