banner

Inabangan Lumabas? Negosyanteng Chinese na galing sa lamay ng kaibigan, patay sa pamamaril sa loob ng sasakyan!



Nasawi ang isang 38-anyos na negosyanteng Chinese matapos siyang pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan sa Dagupan, Pangasinan.

Pauwi na umano ang biktima galing sa lamay ng kaibigan at kasasakay lang sa kaniyang pick-up truck nang pagbabarilin ng nakatakas na mga salarin.

“Pagsakay sa kaniyang sasakyan, hindi pa nakakaalis, doon na siya pinagbabaril,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Brendon Palisoc, hepe ng Dagupan City Police Station.

Ayon sa isang residente, inakala niya noong una na paputok ang nadinig niya hanggang sa makita niyang may tao sa loob ng sasakyan.

No comments:

Powered by Blogger.