TUMILAPON si Nanay? 61-anyos na babae patay matapos na 3 ulit na masagasaan ng mga sasakyan sa Quezon City
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 61-anyos na babae na nasawi matapos na tatlong beses masagasaan ng mga sasakyan sa Quezon City.
Madilim umano sa lugar at walang tamang tawiran.
Sa video footage, makikita ang pagtawid ng biktima nang mahagip siya ng isang lumikong itim na SUV.
Umusad pa ang SUV ng ilang metro bago tumigil sa tabi. Bumaba ang driver nito pero tiningnan lang bahagi ng kaniyang sasakyan na tumama sa biktima.
Umalis din kinalaunan ang SUV at naiwang nakahandusay sa gitna ng kalsada ang biktima.
No comments: